Bayan ng Hermosa, Nasungkit ang Ikalawang Pwesto sa SGLGIF 2023
Kinilala ang ating bayan bilang ikalawang pwesto para sa Seal of Good Local Governance Incentive Funds (SGLGIF) FY. 2023, sa pagpapatupad ng proyekto para sa ating bayan.
Ang (SGLGIF) ay isang programa ng gobyerno ng Pilipinas na tungkol sa pagkilala at pagbibigay ng insentibo sa mga lokal na pamahalaan na nagpapakita ng mahusay na pamamahala at serbisyo sa kanilang nasasakupan. Ito ay magpapatuloy hanggang Disyembre upang makapaghatid pa ng mas makabuluhang proyekto ang ating mga LGU.
Ang programa na ito ay bahagi ng Department of the Interior and Local Government (DILG).
Isang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng mga taong naging bahagi upang makamit natin ang karangalan na ito. Ang ating tagumpay ay patunay ng ating matatag na liderato at pagmamalasakit sa bayan. Patuloy nating pagtulungan ang pag-unlad at pagbabago para sa ating bayan.
SAMA-SAMA SA PAGLIPAD NG HERMOSA!
#LipadHermosa
#1Bataan ☝️