Bayan ng Hermosa, nagkamit ng pinakamaraming parangal sa 1Bataan Seal of Healthy Barangays
Oktubre 21, 2024 – Balanga, Bataan
Masayang ibinabalita ng Bayan ng Hermosa na tayo ang may na natanggap sa katatapos na 1Bataan Seal of Healthy Barangays awarding na ginanap sa Bataan People’s Center, Balanga, Bataan!
Matapos makamit ang % batay sa pamantayan ng programa, ang sumusunod na mga barangay ay pinarangalan ng P100,000.00 bilang pagkilala sa kanilang pagsisikap para sa kalusugan ng komunidad:
• Brgy. A. Rivera
• Brgy. Burgos-Soliman
• Brgy. Cataning
• Brgy. Culis
• Brgy. Daungan
• Brgy. Palihan
• Brgy. Pulo
• Brgy. Tipo
Isang taos-pusong pasasalamat sa ating masipag na Municipal Health Officer, Dr. Warren Valencia, sa ating Konsehala ng Kalusugan, Konsehala Luz Samaniego, mga Pamahalaang Pambarangay, at sa lahat ng Barangay Health Workers sa kanilang walang sawang suporta at dedikasyon.
Para sa mas malusog na kinabukasan ng bawat Hermoseño, sama-sama tayong magtulungan at patuloy na magtagumpay!
SAMA-SAMA SA PAGLIPAD NG HERMOSA!
#AlagangHermosa #LipadHermosa #Hermosa #1Bataan #Bataan
VIEW FACEBOOK POST: https://www.facebook.com/share/p/1WqiAQyUUW/