Skip to main content

Bayan ng Hermosa, nagkamit ng parangal sa Galing! Bataan Awards 2024

November 6, 2024 – Balanga, Bataan

Panibagong karangalan ang naiuwi ng ating minamahal na Bayan ng Hermosa sa katatapos lamang na Galing! Bataan Awards 2024 na ginanap sa Bataan People’s Center kahapon, Nobyembre 5, 2024.

Bilang pagkilala sa mga kooperatiba at Micro, Small, and Medium Enterprises (MSMEs) at sa dulot nitong pag-unlad sa ekonomiya ng Bataan, kinilala ang ating munisipyo bilang at ang ating Hermosa Municipal Cooperative Development Council bilang (3rd Place) kung saan nakatanggap tayo ng plake kalakip ang P 5,000.00 cheque, habang nakatanggap naman ng trophy at P 10,000.00 cheque bilang isa sa ang Balsik High School Teachers Multipurpose Cooperative. Bilang kinatawan ng inyong lingkod, tinanggap ni Konsehala Gelly Santos kasama si Hermosa BPLO Marivic Fernandez at Hermosa MCDO Josefina Bondoc ang mga parangal na nakamit ng ating bayan.

#LipadHermosa #Hermosa #1Bataan #Bataan

VIEW FACEBOOK POST: https://www.facebook.com/share/p/1BxCPhYnT7/

Official Website of Municipality of Hermosa