
BATCH 1 NG ATING PANGKABUHAYAN TRAINING, UMPISA NA
June 3, 2023 Hermosa, Bataan
BATCH 1 NG ATING PANGKABUHAYAN TRAINING, UMPISA NA!!!
Umpisa na ngayong umaga ang unang batch ng mga INA NG HERMOSA na magti-train at mag-aral upang matuto sa pagbi-bake ng bread and pastries. Ang training na ito ay libre para sa mga miyembro ng INA at kanilang mga kaanak, at ang programang ito ay hatid ng pinagsamang kooperasyon ng INA NG HERMOSA, ROTARY CLUB OF FREEPORT at LGU at sa tulong ng CASA VICTORIA.
Ang training na ito ay magtatagal ng ilang sessions sa loob ng buwan ng Hunyo at magtatapos sa isang assessment upang makakuha ang mga graduates ng NC2 o National Certificate mula sa TESDA.
Good Luck, Bakers!
#InaNgHermosa #LipadHermosa #1BATAAN