Skip to main content

BATANG HERMOSA, NASUNGKIT ANG KAMPEONATO SA DIVISION QUIZ BEE

Sa isang kahanga-hangang pagtatanghal ng talino at kaalaman sa kasaysayan ng Pilipinas, ipinakita ni JASMINE DENISE P. DANTES mula sa Culis Elementary School ang kanyang husay sa katatapos lamang na 2024 Division Kasaysayan ng Pilipinas Quiz Bee. Matapos ang laban, siya ay itinanghal bilang kampeon sa naturang kompetisyon na ginanap sa Bataan Tourism sa Balanga City, Bataan.
Si Jasmine ngayon ay magiging kinatawan ng ating lalawigan sa Regional Philippine History Quiz Bee. Ang nasabing kumpetisyon ay gaganapin sa San Fernando, Pampanga sa darating na May 21-22, 2024.
Ang kanyang determinasyon at husay sa pag-aaral ay nagbigay ng karangalan hindi lamang sa kanyang paaralan kundi pati na rin sa Bayan ng Hermosa.
Isang pagpupugay sa iyo, Jasmine Denise P. Dantes! Patuloy mong ipagmalaki ang iyong galing at pagmamahal sa kasaysayan ng ating bayan. Mabuhay ka!
SAMA-SAMA SA PAGLIPAD NG HERMOSA!
Photo credits:
Enrico Susi
#LipadHermosa 🚁
#1Bataan☝️

Official Website of Municipality of Hermosa