BATAAN SOLO PARENT FEDERATION MEETING
February 19, 2026 – Hermosa, Bataan
Idinaos ang 1st Quarter Meeting ng Bataan Solo Parent Federation sa Negosyo Center, kung saan nagtipon ang mga pangulo ng samahan mula sa iba’t ibang bayan ng Bataan upang magbahagi ng kanilang ulat hinggil sa kalagayan at mga programang ipinatutupad sa kani-kanilang lugar. Kabilang dito ang mga seminars, trainings, at iba pang aktibidad na naglalayong palakasin ang kapasidad at kapakanan ng mga solo parents.
Pinangunahan ang pulong ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) katuwang ang Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) Hermosa. Nagbigay rin ng mga programang maaaring pakinabangan ng mga miyembro ang TESDA Bataan, kabilang ang iba’t ibang skills training at livelihood opportunities na makatutulong sa kanilang patuloy na pag-unlad at pagbibigay ng mas magandang kinabukasan para sa kanilang pamilya.
SAMA-SAMA SA PAGLIPAD NG HERMOSA!
#LipadHermosa #1Bataan
Click here: https://www.facebook.com/share/p/1DyaxDCUiC/








