
Bataan IATF Resolution No. 16
Upang mapigilan ang pagdami ng kaso ng COVID-19 sa ating Lalawigan, inaprubahan ng Bataan Inter-Agency Task Force, sa pangunguna ng inyong lingkod, noong ika-14 ng Agosto ang Resolution No. 16 na humihikayat sa lahat ng tagapangasiwa ng mga gusali sa lahat ng mga yunit ng pamahalaang lokal na magsagawa ng pagsusuri sa mga gusali at establisimyento upang alamin ang bilang ng mga taong maaaring pumasok sa mga gusali alinsunod sa ipinatutupad na social distancing.
Tungkulin ng mga itinalagang tagapangasiwa ng mga gusali ang pagbibigay ng COVID-19 Responsive Building Permit, mga patnubay patungkol sa pagsunod sa physical distancing, siguruhin na may sapat na bentilasyon sa loob ng mga gusali, pagsusuri sa mga hotel, convention center, inn, motel, canteen, supermarket, department store, office at iba pang mga establisimyento.
Inaasahan ang pakikiisa ng mga yunit pamahalaang lokal at may-ari ng mga gusali sa hakbang na ito upang maiwasan ang pagdaraos ng mga malakihang pagtitipon sa loob ng mga gusali at establisimyento at mapigil ang pagdami ng mga kaso ng COVID-19 sa ating lalawigan.