BATAAN BILANG UNANG BLOCKCHAIN PROVINCE
Kasama po natin ang mga Bataan mayors na sumailalim sa dalawang araw na seminar-workshop tungkol sa blockchain technology sa Zug, Switzerland sa ilalim ng sponsorship ng nChain.
Ang Zug po ay tinaguriang Crypto Valley o Blockchain hub dahil dito po nagsimula at umunlad ang mga blockchain companies noong 2013. Nang lumaon, ang bansang Switzerland ay nakapaghubog na rin ng isang legal at thriving eco-system ukol sa blockchain at cryptocurrencies na kanilang pinakikinabangan hanggang sa kasalukuyan.
Tayo po ay nakatanggap din ng pagkilala mula kina nChain Group CEO Christen Ager-Hanssen at nChain Group Chairman and Co-founder Stefan Matthews para sa ating pagsisikap tungo sa pag-unlad sa tulong ng makabagong teknolohiya. Magagamit natin ang mga blockchain solutions na inihain ng nChain para sa e-governance/digitization, micropayments, tokenization, web 3.0 at iba pa.
Lubos po tayong nagpapasalamat sa nChain sa kanilang mainit na pagtanggap sa ating delegasyon at sa pagiging katuwang ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bataan sa pagnanais nating manguna sa blockchain technology.
#Bataan #1Bataan #CryptoCurrency #BlockChain
To Create a Positive Environment for Sustainable Development through Continuous Improvement and Innovation in Inclusive Governance and Responsible Citizenship.
By 2030, Hemosa will be a Prime Investment and Agro-Industrial Hub with Empowered Active Citizenry coupled with capable and responsible Leaders Geared towards Sustainable Development, Disaster-Resilient, and Adaptive to Climate Change.
(047)-300-6750/ 0917-844-3453
Office Hour:
Mon - Fri: 8am - 5pm
Brgy. Burgos-Soliman St
Hermosa, Philippines 2111
All content is public domain unless otherwise stated.
LEGISLATIVE
REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
Official Directory