BARKONG GAWANG ATIN!
Dumalo po tayo ngayong ika-16 ng Disyembre sa inagurasyon ng M/T MAKINANG, isang 18-MB self-propelled tanker (Hull No. 124) na ginawa mismo sa Herma Shipyard Inc. sa Mariveles, Bataan.
Ang M/T MAKINANG, na gawa sa bayan ng Mariveles, ay inaasahang magbubukas ng mga strategic investment at magtutulak sa patuloy na pag-unlad ng ekonomiya ng ating lalawigan.
Binabati po natin ang Herma Group of Companies, sa pangunguna ni Chairman at CEO Herminio Esguerra, sa matagumpay na pagkakagawa ng napakaganda at matibay na M/T MAKINANG.
Nakasama rin po natin kanina sina Mr. Lito Manansala, Chief Operating Officer ng Herma Shipyard Inc.; Mr. Primo Agbayani, Managing Director ng Petroleum Products & Logistics Group; BBJVI Chairman Rod Franco; at BBJVI Vice President Jonathan Baldevarona.
CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/16SKU2zCk1/





