BARANGAY OFFICIALS EMPOWERMENT, NAG TAKE – OFF NA SA HERMOSA
Hermosa, Bataan – Marso 5, 2024
Nagsimula na ang unang sesyon ng Batch 1 ng Basic Orientation Course para sa ating mga opisyal sa barangay, na itinaguyod ng Liga ng Barangay (LNB) ng Bayan ng Hermosa sa pakikipagtulungan ng Department of the Interior and Local Government (DILG). Pinasinayaan ni Mayora ANNE INTON ang nasabing seminar bilang kinatawan ng inyong lingkod. Isinagawa ito sa Puntabelle Farm and Resort para sa mga bagong halal na opisyal ng barangay.
Kasama ni Mayora Anne sa mahalagang aktibidad na ito ang ilan sa ating mga opisyal tulad nina Bokal Tony Roman, Vice Mayor Patrick Rellosa, mga Konsehal na sina Lou Narciso, Boyet Yandoc, Floyd Tungol, Luz Samaniego, ABC President Alfonso Cortez, Bataan Chapter LNB President Romeo Austria, at si Ma’am Michelle Caraig, na kinatawan ni Gob. Joet Garcia.
Sa seminar na ito, ginamit din ang kurso ng Local Government Academy—ang pangunahing institusyon na nagtatatag ng pamantayan para sa pagpapaunlad ng kakayahan sa pamamahala ng lokal na pamahalaan. Layunin ng seminar na ito na bigyan ang mga dumalo ng kumpletong kaalaman hinggil sa mga patakaran, mabuting pamamahala, kaalaman sa buwis, pagbabadyet, code of conduct, at mga batas na maaaring ipatupad sa bawat barangay.
Sa sama-samang pagsisikap, patuloy nating pinapalalim ang kaalaman ng mga opisyal sa barangay upang sila ay mas makapaglingkod nang maayos at mahusay.
SAMA-SAMA SA PAGLIPAD NG HERMOSA!
#LipadHermosa 🚁
#1Bataan ☝🏻