Skip to main content

BANAL NA MISA PARA SA IKA-18 ANIBERSARYO NG ATING SIMBAHAN August 8, 2026 – Hermosa, Bataan

Dumalo po tayo sa Banal na Misa bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-18 anibersaryo ng ating parokya, na pinangunahan ni Most Rev. Rufino “Jun” Coronel Sescon Jr., kasama ang bagong itinalagang Parish Vicar ng Saint Peter Martyr of Verona Parish Church, Rev. Fr. Ephraim A. Gloria.
Sa loob ng 18 taon, patuloy na naging tahanan ng pananampalataya, panalangin, at pagkakaisa ang ating simbahan. Nawa’y sa paglipas ng mga taon ay lalo pang tumibay ang ating debosyon at pananampalataya sa Panginoon, sa patnubay at pamamagitan ni San Pedro Martir de Verona.
Muli, maligayang ika-18 anibersaryo sa ating minamahal na parokya! At isang mainit na maligayang pagdating sa Bayan ng Hermosa, Rev. Fr. Ephraim A. Gloria!
San Pedro Martir de Verona, ipanalangin mo kami.
SAMA-SAMA SA PAGLIPAD NG HERMOSA!

Official Website of Municipality of Hermosa