Skip to main content

BAHAGI NG KITA NG SBMA, IPINAMAHAGI SA ATING BAYAN

February 16, 2024 – Subic Bay

Bilang kinatawan ng inyong lingkod, personal na tinanggap ni Mayora ANNE INTON ang bi-annual releasing share na 2% ng ating munisipalidad na mula sa mga freeport operations na ginanap sa Waterfront Road Subic Bay Freeport Zone.
Ang nasabing turnover ay pinangunahan ni SBMA Chairman and Administrator Eduardo Jose L. Aliño. Kasama natin sa pagtanggap para sa LGU share ay sina Kons. Lou Narciso at Municipal Tresurer, Rhodora Manalansan. Naroon din para tanggapin ang kanilang share sina Dinalupihan Mayor, Tong Santos; Morong Mayor, Cynthia Estanislao; Castillejos Mayor, Jeffrey Khonghun; Olongapo City Mayor, Rolen Paulino; Subic Town Mayor, Jonathan John F. Khonghun; San Antonio Mayor, Edzel L. Lonzanida; at San Marcelino Mayor, Elvis Ragadio Soria.
Naipamahagi sa mga nabanggit na bayan ang 2% share na nakolekta simula noong Hulyo hanggang Disyembre 2023. Ang mga bahaging ito ng kita ay layunin na magdagdag sa mga proyektong pangkaunlaran sa kalusugan, edukasyon, kapayapaan at kaayusan, at paglikha ng kabuhayan sa iba’t ibang lokalidad.
Maraming salamat, SBMA!
SAMA-SAMA SA PAGLIPAD NG HERMOSA
#LipadHermosa
#1Bataan

Official Website of Municipality of Hermosa