
BAGONG TRUCK NG BASURA PARA SA ILANG BARANGAY, IPINAMAHAGI NA
March 24, 2023 – Hermosa, Bataan
BAGONG TRUCK NG BASURA PARA SA ILANG BARANGAY, IPINAMAHAGI NA
Nagbigay tayo ng bagong truck ng basura para sa ating Bayan na ipapamahagi sa Brgy. Bacong, Brgy. Maite, Brgy. Balsic, Brgy. Sacriffice Valley at Brgy. Saba ngayong araw ng Biyernes, ika-24 ng Marso. Kasabay nito ang pagbabasbas sa pangunguna ni Fr. Tony Quintos ng Saint Peter Martyr of Verona Parish Church.
Napakalaking tulong ng bagong truck ng basura para sa ating komunidad upang maayos at mapanatili ang kalinisan at kaayusan dito sa ating Bayan. Ito rin ay magbibigay ng trabaho sa ilang mga residente ng ating Barangay bilang taga kolekta ng basura.
Ang mga bagong Truck ng basura na para dito sa Bayan ng Hermosa ay nabili gamit ang pondo mula sa inyong Lingkod at sa mga donasyon ng ating mga personal na mga kaibigan.
Maraming Salamat po!
#LipadHermosa 

#1Bataan 
