Bagong Police Mobile para sa kapulisan ng Hermosa
Enero 27, 2024 – Hermosa, Bataan
Ngayong araw, naipagkaloob ng Pamahalaang Bayan ng Hermosa sa Hermosa PNP ang isang bagong Police Mobile na kanilang magagamit upang higit pang mapalakas ang pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa Hermosa. Ang pagbibigay na ito ay kasunod ng ating isinagawang New Year’s Call bilang pagpapakita ng pagkilala at suporta sa ating magigiting na kapulisan.
Taos-puso ang ating pasasalamat sa Hermosa PNP, sa pamumuno ni Chief Phoe Pangan, para sa inyong tapang at dedikasyon sa pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan. Nawa’y patuloy kayong gabayan at pagpalain ng Poong Maykapal habang buong puso ninyong tinutupad ang inyong tungkulin para sa ikabubuti ng ating mahal na Bayan ng Hermosa.
SAMA SA PAGLIPAD NG HERMOSA!
#LipadHermosa #Hermosa #1Bataan #Bataan