Bagong Health Center Service sa Bayan ng Hermosa, Binuksan na
Personal na dumalo si Mayora ANNE INTON na kumatawan sa inyong lingkod sa ginanap na “Soft Opening” ng St. Dominic Multispecialty Heath Service Center Inc. dito sa Dominican Hills Subd., Centro 2, Culis, Hermosa, Bataan.
Ang serbisyong ito ay malaking tulong sa pagtugon sa mga pangunahing pangangailangan sa kalusugan hindi lang sa bayan ng Hermosa gayundin sa mga karatig bayan at probinsya. Isa rin ito sa magandang pagkakataon para maging mas madali at komprehensibo ang access pagdating sa pangangalaga ng ating kalusugan.
Nakasama rin natin sina Hon. Congresswoman Milagros Aquino Magsaysay, Dr. Renaldo Jose Abando at Ma’am Leonora Tapang.
Nawa’y magtagumpay at mahusay na mapaglingkuran ang mga mamamayan ng ating bayan. Maraming Salamat sa lahat ng mga taong naging bahagi ng proyektong ito, Mabuhay po kayo!
#LipadHermosa 🚁
#1Bataan ☝️