Skip to main content

Bagong Gusali ng Sumi Philippines Wiring System, Inilunsad Na!

July 04, 2023 – Hermosa, Bataan
Bagong Gusali ng Sumi Philippines Wiring System, Inilunsad Na!
Personal na dinaluhan ng inyong lingkod ang paglulunsad ng bagong gusali ng Wire Cable Division Aluminum Factory ng Sumi Philippines Wiring System (SPWS) sa Hermosa Ecozone Industrial Park, Palihan, Hermosa, Bataan.
Ang bagong gusali na ito ay hindi lamang isang pasilidad, kundi simbolo rin ng ating patuloy na pag-unlad at paglago dito sa Bayan ng Hermosa. Isang malaking oportunidad rin ito para sa ating mga kababayan hindi lang sa Bayan ng Hermosa gayudin sa ating mga karatid Bayan at probinsya.
Nakasama natin sina SPWS President Takeshi Fujimi, WCD Vice President Minoru Kawashima, SWS Manging Executive Officer na sina Osamu Okamoto at Yukimitsu Hattori, Governor Joet Garcia, Board Member Atty. Tony Boy Roman at PEZA Zone Manager, HEIP Shiela Marie Pidlaoan.
Sama-sama sa patuloy na paglipad ng Bayan ng Hermosa!
#LipadHermosa 🚁
#1Bataan ☝️

Official Website of Municipality of Hermosa