Skip to main content

Bagong Evacuation Center sa Hermosa, Binuksan Na!

Abril 16, 2024 – Hermosa, Bataan
Opisyal nang binuksan kanina ang ating bagong evacuation center sa Pleasant Homes Brgy. San Pedro kanina. Sa pangunguna ng inyong lingkod, sinimulan natin ang ribbon cutting kasama ng pagbabasbas sa buong pasilidad ni Fr. Denz Dumaguing.
Kasama natin sa pagpapasinaya sina ARD, DPWH-3, Melquiades Sto. Domingo, OIC-OCDR3, Shelby Ruiz, DILG-Regional Director R3, Atty Anthony Nuyda, Provincial DOH Head, Dr. Francisco Hermoso III, Chief Disaster Response Management Division, DSWD FO3, Marites Liwanag, Science Research Specialist Mines and Geosciences Bureau R3, Kryztyn Angela G. Patambang, Bokal Tony Roman, Vice Mayor Patrick Rellosa, SB members at Brgy. San Pedro Council.
Asahan po ninyo na ang bagong evacuation center ay magiging isang mahalagang bahagi ng ating komunidad na magbibigay sa atin ng kaligtasan at pag-asa. Ito ang magiging tahanan at tanggulan natin sa panahon ng kalamidad.
Maraming salamat po sa lahat ng tumulong upang maisakatuparan ang bagong evacuation center sa ating bayan.
SAMA-SAMA SA PAGLIPAD NG HERMOSA!
#LipadHermosa
#1Bataan ☝️

Official Website of Municipality of Hermosa