Skip to main content

Bagong Dialysis Center sa Bayan ng Hermosa, Binuksan na!

Nagbukas na ang isang mahalagang pasilidad na magbibigay ng tulong at pag-asa sa ating mga kababayan hindi lang sa Bayan ng Hermosa gayundin sa ating mga karatig bayan at probinsya na nangangailangan ng pangangalaga sa kanilang mga kalusugan.
Ang Hermosa Dialysis Center ay isang espasyo kung saan ating mabibigyan ng pangmatagalang paggamot ang mga pasyente na may sakit sa bato. Dito, kanilang matatanggap ang tamang pangangalaga at mga serbisyong magbibigay ng komportable at ligtas na karanasan sa kanilang pagdadaan sa proseso ng dialysis.
Dinaluhan ito ng ating Municipal Administrator Rex Jorge bilang kinatawan ng inyong lingkod kasama sina Konsehala Luz Samaniego, Rep. Pusong Pinoy Partylist Cong. Jett Nisay, Medical Director, HDCI Dr. Mildred Tayag, Administrative Manager, HDCI Aida Flores, Bokal Dr. Bong Galicia Jr. na kumatawan kay Gov. Joet Garcia at pagbabasbas sa pangunguna ni Asst. Vice President for Academic Affairs Rev. Father Edgar Sigua.
Maraming Salamat sa lahat ng mga taong naging bahagi ng proyektong ito. Sa ating mga magigiting na doktor, nars, at mga tauhan ng medikal na mga propesyonal, kayo po ang mga tagapaglingkod na tutulong upang mabigyan ng kaluwagan at pag-asa ang ating mga pasyente. Mabuhay po kayo!
Sama-sama sa patuloy na paglipad ng Bayan ng Hermosa!
#LipadHermosa 🚁
#1Bataan ☝️

Official Website of Municipality of Hermosa