Skip to main content

Bagong Daan sa Barangay Palihan

Abril 15, 2024 – Hermosa, Bataan
Ngayong araw, dinaluhan ko ang inagurasyon para sa pagtatapos ng kalsada sa Barangay Palihan Hermosa, Bataan. Pinangunahan ito nina Regional Director Atty. Anthony C. Nuyda, CESO III, at Provincial Director Belina T. Herman, CESO V.
Ang pondong ginamit para sa proyektong ito ay mula sa Seal of Good Local Governance Incentive Fund 2023 (SGLGIF). Ito ay isang malaking hakbang patungo sa pagpapalakas ng imprastruktura at pagpapabuti ng mga kalsada sa ating bayan.
Kasama sa programa sina Municipal Local Government Operations Officer Vernita La Torre, Municipal Engineer Jasmin Recibe, Konsehal Roger Manarang, at Kap. Lamberto Suelto.
Sa pagkakaroon ng maayos at matibay na kalsada, mas mapapadali ang paglalakbay at transportasyon, pati na rin ang paghatid ng serbisyo sa ating mga mamamayan.
SAMA-SAMA SA PAGLIPAD NG HERMOSA!
#LipadHermosa
#1Bataan ☝️

Official Website of Municipality of Hermosa