
BAGONG COVERED COURT SA BARANGAY A. RIVERA, BINUKSAN NA!
Pinasinayaan natin ngayong araw ang bagong covered court ng Brgy. A. Rivera, Hermosa, Bataan, kasama natin si Kap. Doreta Ocampo, mga Kagawad at BPSO.
Ang proyektong ito ay naisakatuparan sa kooperasyon at pakikipagtulungan natin at ni Senador Bong Revilla na siyang nagbigay ng pondo para sa proyekto.
Ang naturang proyektong covered court ay pang “13 and a half” sa kanyang mga naipagawa sa kanyang mahigit apat na taong panunungkulan.
Patuloy po ang pakikipagtulungan ng inyong lingkod sa lahat ng ahensya, hindi po tayo titigil sa ating mga programa, mga proyekto at mga adhikain para sa patuloy na pag unlad ng ating Bayan.
Maraming Salamat po, Sen. Bong Revilla, Mabuhay po kayo! ❤️
#LipadHermosa 🚁🚁🚁
#1Bataan ☝🏻