BACSEZFA: Bagong Pag-asa para sa Gitnang Luzon
Dumalo ang inyong lingkod sa isang mahalagang pagdinig sa Senado tungkol sa Bulacan Airport City Special Economic Zone and Freeport Authority (BACSEZFA) kasama ang Senate Committee on Economic Affairs, ang mga komite sa Local Government, Ways and Means, at Finance. Ito ay isang proyektong pang-ekonomiya na naglalayong magkaroon ng airport city sa Probinsya ng Bulacan at magdala ng kaunlaran sa mga kalapit na komunidad. Ito ay hindi lamang isang paliparan, kundi maging pangunahing sentro din ng ekonomiya sa labas ng Metro Manila na magbibigay ng bagong buhay sa Gitnang Luzon.
Tayo rin ay naging resource person at nagbahagi ng mga tagumpay gayundin ang mga hinarap ng ating bayan sa pagkakaroon ng 3 economic zones: Ang Hermosa Economic Zone under PEZA, Subic Bay Freeport Zone at Freeport Area of Bataan FAB.
Sa pamamagitan ng BACSEZFA, mas maraming oportunidad ang magbubukas para sa mga negosyante at mamamayan sa rehiyon. Inaasahang magdadala ito ng mas maraming trabaho at pag-unlad sa ekonomiya hindi lamang sa Bulacan kung hindi sa buong Gitnang Luzon.
SAMA-SAMA SA PAGLIPAD NG HERMOSA!
#LipadHermosa
#1Bataan