Skip to main content

Automated Counting Machine ng COMELEC, sinubukan ng mga Hermoseno

Upang masubok at masanay ang ating mga kababayan sa paggamit ng Automated Counting Machine na inilabas ng Commission on Elections (COMELEC), nagsagawa ang ating Hermosa COMELEC ng Voter’s Education at demonstration/roadshow na pinasumulan sa Assembly Hall ng ating Hermosa Municipal Hall.

Ang demonstration ay pinangunahan ni Hermosa COMELEC Election Officer III na si Cristeto Manuel, kung saan kaniyang ipinaliwanag ang mga bagong kakayahan tulad ng mas accessible na pagboto para sa mga botanteng may pisikal na kapansanan, maging ang wastong paggamit sa ACM.

Bukod dito, iikot din ang Hermosa COMELEC sa lahat ng barangay sa ating bayan bilang parte ng nasabing Voter’s Education at demonstration/roadshow.

Maraming salamat, COMELEC para sa ACM na mas magpapadali sa pagboto ng mga kababayan nating PWD at sa Hermosa COMELEC sa pagbabahagi ninyo ng kaalaman.

SAMA-SAMA SA PAGLIPAD NG HERMOSA!

#LipadHermosa #Hermosa #1Bataan #Bataan

VIEW FACEBOOK POST: https://www.facebook.com/share/p/14bEuwoA71/

Official Website of Municipality of Hermosa