Skip to main content

Araw ni Rizal: Pag-alaala sa Kabayanihan

Ngayong Disyembre 30, ginunita natin ang Araw ni Rizal sa pamamagitan ng isang seremonya ng pag-aalay ng bulaklak. Ang pagdiriwang na ito ay isang mahalagang pag-alala sa kabayanihan, sakripisyo, at mga aral mula sa buhay ng ating pambansang bayani.
Pinangunahan ang seremonya ni Hermosa Municipal Administrator Rex Jorge, kasama si SB Member Konsehal Jason Enriquez bilang kinatawan ng inyong lingkod. Nakibahagi rin ang Hermosa PNP sa pangunguna ni Chief Phoe Pangan, pati na ang Hermosa BFP at Hermosa Marshals.
Sa bayan ng Hermosa, patuloy nating isabuhay ang mga pilosopiya ni Dr. Jose Rizal—paninindigan, pagmamahal sa bayan, pagpapahalaga sa ating wika, at pananampalataya sa Diyos. Ang mga aral na ito ang magsisilbing gabay sa ating pag-unlad bilang mga Hermoseño.

SAMA-SAMA SA PAGLIPAD NG HERMOSA

#LipadHermosa #Hermosa #1Bataan #Bataan

Official Website of Municipality of Hermosa