Skip to main content

ARAW NG MGA BETTERANO

April 8, 2026 – Balanga City, Bataan
Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-84 na Araw ng Kagitingan na may temang “Giting ng Bayani, Pamana sa Salinlahi,” binigyang-pugay at pagkilala ang ating mga beterano sa ginanap na programa sa Bataan Tourism Pavilion.
Dumalo rin sa nasabing aktibidad sina Hermosa Veterans President Ricardo Lado at Konsehal Jason Enriquez bilang pakikiisa sa pagbibigay-halaga sa kanilang kabayanihan.
Isinagawa rin ang isang medical mission bilang bahagi ng patuloy na pangangalaga at suporta sa ating mga magigiting na beterano na nag-alay ng kanilang lakas at buhay para sa kalayaan ng ating bansa.
SAMA-SAMA SA PAGLIPAD NG HERMOSA! #LipadHermosa #1Bataan

#LipadHermosa #1Bataan

CLICK HERE:https://www.facebook.com/share/p/18aePfxtut/

Official Website of Municipality of Hermosa