
April 24, 2023 – DHSUD Main Office, Quezon City
Isang mahalaga at makabuluhang pagpupulong ang naganap sa Office of the Secretary ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD). Ang pagpupulong na ito ay pinangunahan ni DHSUD Secretary Jose Rizalino “Jerry” Acuzar kasama sina Cong. Abet Garcia at ang inyong lingkod. Kasama din natin sa pagpupulong ang mga local Housing contractors.
Napag usapan sa naturang meeting ang mga programang Pabahay para sa Bayan ng Hermosa at sa buong lalawigan ng Bataan. Ito ay upang tugunan ang mga pangangailangang pabahay ng ating mga Kababayan.
Maraming Maraming Salamat Po, Secretary Jerry Acuzar at nawa’y ating mapabilis ang ating pagtulong na magkaroon ng public housing para sa bawat Bataeno!
#LipadHermosa 🚁
#1Bataan ☝️