Skip to main content

ANG SAYA NG FIESTA SA HERMOSA

May 03, 2023 – Hermosa, Bataan
ANG SAYA NG FIESTA SA HERMOSA!
Mula sa Parada, Grand Santacruzan, Serenata, Banal na Misa, mga Palaro, Fireworks at siyempre ang ating Grand Fiesta Concert kasama si Moira Dela Torre, masaya, makabuluhan at matagumpay nating pinagdiwang ating Pistang Bayan!
Maraming Maraming Salamat sa lahat ng bumubuo ng ating Fiesta Committee, sa pagtutulungan ng LGU at ng Simbahan, tunay na naging makasaysayan at matagumpay ang 2023 Pistang Hermosa! Ang ngiti at saya, siyempre ang kilig at ang emote ng mga taong dumalo sa konsyerto, at ang mga sumali, dumalo at nakisaya sa ibat-iba nating mga aktibidad sa Kapistahan, tunay na buo ang 2023 Fiestang Hermoseño!
Maraming Salamat sa Ating Lahat!
#LipadHermosa 🚁
#1Bataan ☝️

« of 2 »
Official Website of Municipality of Hermosa