Ang Pag-arangkada ng Kapehan sa Barangay: Kapehan sa Barangay Balsik
Enero 21, 2025 – Hermosa, Bataan
Masaya nating ibinabalita ang opisyal na pagsisimula ng Kapehan sa Barangay! Isang inisyatiba ng Pamahalaang Bayan ng Hermosa na layuning makipagkumustahan, pakinggan ang mga suhestyon, at makipagkwentuhan kasama ang mga opisyal at kawani ng bawat barangay – lahat ito habang nagkakape sa isang makabuluhang pagtitipon.
Para sa unang araw, binisita natin ang Barangay Balsik, kung saan mainit tayong sinalubong nina Brgy. Captain Amado Roncal at SK Chairman Jericho Layug, kasama ang buong Brgy. Balsik Council at Balsik SK Council.
Kasama rin natin sa makulay na okasyon ang Team Lipad, sa pangunguna ni Vice Mayor Patrick Rellosa, pati sina Bokal Benjie Serrano at ang kanyang maybahay na si Mylene Serrano, Bokal Jomar Gaza, Bokal Tonyboy Roman, at Doc Bong Galicia.
Maraming salamat sa inyong oras, mga kapwa lingkod-bayan ng Brgy. Balsik! Napuno ang ating kwentuhan ng makabuluhang ideya, masayang tawanan, at inspirasyon para sama-samang pagbutihin ang serbisyo sa ating mga kababayan.
SAMA-SAMA SA PAGLIPAD NG HERMOSA!
#LipadHermosa #1Bataan