Skip to main content

ANG MULING PAGDALAW SA BAYAN NG HERMOSA NI NUESTRO PADRE JESUS NAZARENO!

September 29, 2026 – Hermosa, Bataan

Sa muling pagdalaw ni Nuestro Padre Jesus Nazareno sa ating bayan, muli nating binuksan ang ating mga puso sa Kanyang presensya at biyaya.

Bitbit natin sa banal na pagdalaw na ito ang ating mga panalangin para sa ating mga pamilya, sa ating komunidad, at sa buong bayan ng Hermosa. Nawa’y patuloy Niya tayong gabayan sa bawat hakbang, palakasin ang ating pananampalataya sa panahon ng pagsubok, at pagkalooban tayo ng biyaya, kapayapaan, at pag-asa.

Higit sa lahat, nawa’y lagi nating isapuso ang aral ng Kanyang pagpapakasakit: ang tunay na pananampalataya ay may kasamang pagtitiis, pagpapakumbaba, pagpapatawad, at pagmamahal sa kapwa.

Panginoong Jesus Nazareno, samahan Mo po kami sa aming paglalakbay. Patawarin Mo kami sa aming mga pagkukulang, pagalingin ang aming mga sugat, at gabayan ang aming bayan tungo sa kabutihan at pagkakaisa.

Viva Nuestro Padre Jesus Nazareno, Viva!

CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/19hU7FpkNQ/

Official Website of Municipality of Hermosa