Ang Matagumpay na Pagpapasinaya at Pagbasbas sa Dr. Alfredo V. Rivera Sr. RHU
Upang higit pang mapalawig ang serbisyong medikal sa ating minamahal na Bayan ng Hermosa, pormal nang pinasinayaan at pinabasbasan ang Dr. Alfredo V. Rivera Sr. Rural Health Unit (Super-RHU), sa patnubay ni Rev. Fr. Ronnie Loreto.
Pinangunahan naman ng Chairperson ng Senate Committee on Health na si Senator Bong Go, kasama ang inyong lingkod Mayor Jopet Inton at Vice Mayor Patrick Rellosa, ang seremonyal na ribbon cutting bilang hudyat ng pormal na pagbubukas ng nasabing Super-RHU.
Dumalo rin sa gawaing ito sina Provincial Health Officer II Dra. Rosanna Buccahan mula sa Provincial Health Office, Provincial DOH Officers na sina Dr. Francisco Hermoso at Dr. Noel Reyes, ating mga Rural Health Physicians na sina Dr. Geofrey Jorge at Genesis Panganiban, RMT, MD, Municipal Dentist Jay Nuevo.
Nagpakita rin ng suporta ang mga miyembro ng Team Lipad Hermosa na sina Konsehala Jinkee Alonzo, Konsehal Dakila Cruz, Konsehal Jason Enriquez, Konsehal Lou Narciso, Konsehala Gelly Santos, Konsehal Floyd Tungol, Konsehal Roger Manarang, at Konsehal Boyet Yandoc, at mga Kapitan ng Barangay Bayan ng Hermosa
Ito ay tanda na sa ating sama-samang pagsisikap at pagtutulungan, ating makakamit ang mas malawig at maayos na serbisyo para sa ating mga kababayan sa Bayan ng Hermosa.
SAMA-SAMA SA PAGLIPAD NG HERMOSA!
#LipadHermosa #Hermosa #1Bataan #Bataan