Skip to main content

Ang makulay na selebrasyon ng Pista ng Apong San Pedro Martir de Verona

Abril 29, 2025 – Hermosa, Bataan
Masayang ginunita ng mga deboto sa Hermosa ang kapistahan ni Apong San Pedro Martir de Verona, ang patron ng ating bayan. Nagsimula ang pagdiriwang sa isang taimtim na Misa Mayor na pinangunahan ni Rev. Fr. Ernesto De Leon, na sinundan naman ng makulay na parada ng mga Santo at masiglang paglahok ng mga grupo sa Street Dancing Competition.

Matapos ang parada ginanap naman sa Hermosa Elementary School ang Mass Demonstration ng mga mananayaw ng Street Dance mula sa iba’t ibang barangay, kung saan itinanghal na panalo ang mga sumusunod:

Grand Winner – Brgy. Balsik
1st Runner-Up – Brgy. Daungan
2nd Runner-Up – Brgy. Culis
3rd Runner-Up – Brgy. A. Rivera

Special Awards
Best Festival Queen – Brgy. Daungan
Best in Costume – Brgy. Daungan
Best in Parade Performance – Brgy. Culis
Most Disciplined Team – Brgy. Balsik

Viva Apo San Pedro Martir de Verona!

SAMA-SAMA SA PAGLIPAD NG HERMOSA!
#LipadHermosa #Hermosa #1Bataan #Bataan

« ‹ of 2 › »
Official Website of Municipality of Hermosa