Skip to main content

Alangan Hermosa: Nangunguna sa Gitnang Luzon

Sa isang karangalang nagpapatunay ng dedikasyon sa serbisyong medikal, kinilala ang Bayan ng Hermosa bilang Highest Score sa buong Gitnang Luzon para sa programang Serbisyong Pangkalusugang Sapat, Garantisadong Abot Kapay Para sa Lahat, isang Good Practice ng Hermosa na bahagi ng Universal Health Care (UHC) initiative. Ito ay kinilala sa 10th Central Luzon Excellence Awards na ginanap sa Quest Plus Conference Center, Clark City, Pampanga. Ang parangal ay may kalakip na isang P100,000.00 check. Muli nating pinatunayan na ang Hermosa ay hindi lang nakikisabay, kundi nangunguna!

Ang parangal na ito ay tinanggap ng inyong lingkod, kasama si Konsehala Luz Samaniego, at ang ating butihing Municipal Health Officer na si Dr. Warren Valencia, kasama sina Marianne Mañago, RN, Program Coordinator – GPH and UHC; Mary Ann Lescano, Nurse 1; at ang ating Development Management Officers ng Bataan na sina Norel Reyes, DMO IV, at Francisco Hermoso, DMO V, na naging katuwang sa tagumpay na ito.

Lubos ang ating pasasalamat sa walang kapagurang serbisyo ng ating Municipal Health Office sa mabilis, maaasahan, at mataas na kalidad ng serbisyong medikal na ating ipinagkakaloob sa mga Hermoseño. Ipinakikita ng parangal na ito na sa bawat hakbang, patuloy nating itinataas ang antas ng serbisyong inilalaan sa ating bayan—isang pagsisikap na buo ang puso at layunin.

SAMA-SAMA SA PAGLIPAD NG HERMOSA!

#10thCLEXAH #LipadHermosa #Hermosa #1Bataan #Bataan

READ AND SEE MORE: https://www.facebook.com/share/p/QUP3WKXiZokHrxU9/

Official Website of Municipality of Hermosa