AIR QUALITY STATUS UPDATE AUGUST 19, 2024
Batay sa datos ng Provincial Government of Bataan Environment and Natural Resources Office (ENRO Bataan), ang Particulate Matter (PM2.5 AQI) o pinong alikabok na may sukat na 2.5 microns pababa ay bumaba na sa “Moderate” mark sa lahat ng Air Quality sensors sa ating Lalawigan ngayong araw, ika-19 ng Agosto sa ganap na alas-otso (8 P.M.) ng gabi.
Bagamat gumaganda na ang kalidad ng ating hangin, pinapayuhan pa rin ang lahat na iwasan ang paglabas ng bahay lalo na sa mga bata, matatanda, at may sakit sa puso o baga kung hindi kinakailangan dahil sa banta ng vog dulot ng Bulkan Taal. Kung kinakailangang lumabas, pinapayuhan po ang lahat na magsuot ng face masks katulad ng KN95 mask.
Makaaasa po kayo na patuloy po ang pagmomonitor natin sa kalidad ng hangin sa ating probinsya.
Ibayong pag-iingat po sa lahat.
#Bataan #1Bataan #AirQuality