Skip to main content

AICS PAYOUT PARA SA MGA TODA DITO SA BAYAN NG HERMOSA, NAIPAMAHAGI NA

August 25, 2023 – Hermosa, Bataan
AICS PAYOUT PARA SA MGA TODA DITO SA BAYAN NG HERMOSA, NAIPAMAHAGI NA!
Katuwang ang inyong lingkod sa matagumpay na pamamahagi ng tulong sa mga benepisyaryo ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) para sa mga miyembro ng TODA. Ito ay sa pamamahala ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) kasama ang Lokal na Pamahalaan ng Hermosa, at sa tulong ng ating butihing Gov. Joet Garcia, na ginanap sa Cataning Covered Court ngayon araw, ika-25 ng Agosto.
Kasama sina Konsehal Lou Narciso, Konsehal Jason Enriquez, Konsehal Boyet Yandoc, Konsehala Luz Samaniego, Hermosa PNP Chief Investigator Marlon Grumal at PDRRMO Bataan Chief of Operation and Warning Division Mark Rafael Ramos.
Walang tigil ang pakikipagtulungan ng ating pamahalaang lokal upang makapagbigay ng tulong para sa ating mga kababayan.
Maraming salamat Gov. Joet Garcia! Mabuhay po kayo!
#LipadHermosa 🚁
#1Bataan ☝️

No Images found.

Official Website of Municipality of Hermosa