Skip to main content

AICS Payout ipinamahagi sa 285 benepisyo sa Hermosa

Enero 23, 2025 – Hermosa, Bataan

Sa pangunguna ni Mayora ANNE INTON at Municipal Administrator Rex Jorge, bilang kinatawan ng inyong lingkod, matagumpay nating naipamahagi ang Payout ng Assistance to Individual in Crisis Situations (AICS) para sa 285 Hermoseño sa Hermosa Covered Court ngayong araw.

Bilang pagpapakita naman ng suporta, dumalo sa nasabing pamamahagi ang mga miyembro ng Team Lipad, kabilang sina Konsehal Floyd Tungol, Konsehal Jason Enriquez, Konsehal Roger Manarang, Konsehala Gelly Santos, Konsehala Jinkee Alonzo, at Konsehal Leonard Cruz.

Ating sisiguraduhin ang tuloy-tuloy na pamamahagi ng tulong pinansyal upang matulungang mapunan ang pangangailan ng ating mga kababayan.

SAMA-SAMA SA PAGLIPAD NG HERMOSA!
#LipadHermosa #1Bataan

Official Website of Municipality of Hermosa