
AICS Financial Assistance para sa ating mga Kababayan!
June 24, 2022- Hermosa, Bataan
AICS Financial Assistance para sa ating mga Kababayan!
Ginanap po kaninang umaga sa Barangay Sacrifice Valley ang pamamahagi ng DSWD-AICS financial assistance program para sa ating mga Kababayang higit na nangangailangan.
Ang financial assistance program na ito ay ipinagkaloob sa atin sa ating pakikipag-ugnayan kay House Speaker Lord Allan Velasco na agaran naman tumugon sa ating panawagan.
Kasama natin sa pamamahagi sina Congressman Jett Nisay ng Pusong Pinoy Party List, Konsehal Lou Narciso, Konsehal Boyet Yandoc, Konsehal Sonjie Valencia at mga Barangay officials at mga kinatawan ng DSWD.
Maraming Salamat Speaker Lord Allan Velasco sa inyong tulong para sa ating mga Kababayan! Mabuhay po Kayo!
Sama Sama sa Patuloy na Pag-unlad ng Bayan ng Hermosa!
#LipadHermosa 🚁
#1Bataan ☝️