Skip to main content

Adopt-A-Town, Adopt-A-Farmer: Para sa mas Maunlad na Kinabukasan

October 13, 2023 – Diliman, Quezon City
ADOPT-A-TOWN, ADOPT-A-FARMER: PARA SA MAS MAUNLAD NA KINABUKASAN
Nakiisa ang inyong lingkod sa naganap na paglulunsad ng bagong proyekto na “ADOPT-A-TOWN, ADOPT-A-FARMER”. Ito ay naglalayong mapabuti ang kalagayan ng ating mga lokal na magsasaka, itinatag ang programa upang magbigay tulong sa kanilang pangangailangan. Binibigyan nito ng oportunidad ang mga magsasaka na maibenta ang kanilang mga produkto nang mas mabilis at mabawasan ang kawalan pagkatapos ng ani.
Inilunsad ng Farm Fresh ang “Instant Chopsuey at Pinakbet”. Isa itong hakbang patungo sa pagpapalago ng lokal na agrikultura at pagbibigay ng mas sariwang pagkain para sa ating mga komunidad.
Asahan nyo na kaisa ang lokal na pamahalaan ng Hermosa para sa programang ito. Maraming salamat po!
#LipadHermosa 🚁
#1Bataan ☝️

No Images found.

Official Website of Municipality of Hermosa