Adbokasiya at Talento, ipinakita ng mga Batang Hermosa sa Pawikan Festival 2024
Bilang pagpapakita ng suporta sa ating mga pambato sa Pawikan Festival 2024 Creative Dance Competition, nakisaya si Mayora ANNE INTON, bilang kinatawan ng inyong lingkod, at Hermosa Tourism Office sa pangunguna ni Bea Lim, sa patimpalak na ginanap sa Bataan People’s Center, Disyembre 4, 2024.
Sa temang KaBATAAN: Kabalikat sa Pag-Aalaga ng Pawikan, nagpakitang gilas ang mga Batang Hermoseño sa kanilang pagindak sa tugtog na humihikayat na pangalagaan ang mga pawikan sa ating lalawigan.
Pagbati sa inyo, mga Batang Hermoseño, pinasaya ninyo ang ating mga kababayan!
SAMA-SAMA SA PAGLIPAD NG HERMOSA!
#LipadHermosa #Hermosa #1Bataan #Bataan
VIEW FACEBOOK POST: https://www.facebook.com/mayor.jopet/posts/pfbid0epyFUDxYsBrbx6kg4QcGVafZDGhYbYfQSx331okCTfwfUfu7xUtdRRQkoWm1Cpw2l