Abangan bukas sa Kwentuhan Tayo Bataeño ang ating mga kababayan mula sa Hermosa sina SK Chairman Christian Santos at Emarvin Gregorio.
ABANGAN BUKAS: KWENTUHAN TAYO BATAENO NGAYONG LINGGO NG KABATAAN
Bilang paghahanda sa nalalapit na pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan, pag-uusapan po natin ang iba’t ibang programa ng Bataan Youth Development Office (BYDO). Kasabay nito ang pagbibigay-pugay sa mga natatanging kabataan na nagpakita ng kahusayan sa kani-kanilang larangan.
Makakasama natin sina Provincial Youth Development Officer Joie Dee Rubiano, SK Chairman Christian Santos at Board Exam Topnotcher sa Licensure Examination for Professional Teachers (LEPT) na si Emarvin Gregorio upang ibahagi ang mga programa, oportunidad, at inspirasyong hatid para sa ating kabataan.
Abangan din ang ating mga palaro at magkaroon ng pagkakataong manalo ng Smart Load worth ₱500, 1Bataan Merchandise at Gift Certificates mula sa:
– KDR Adventure Camp
May katanungan ba kayo para sa ating mga panauhin? I-comment na ang inyong mga tanong at sisikapin nating masagot ang mga ito sa ating programa.