96th KSSP MEETING, TUNGO SA TAGUMPAY AT PAGUNLAD NG BAYAN NG HERMOSA
Nakipagpulong si Mayora ANNE INTON bilang Chairman ng Komite ng Sama-Samang Pagpapaunlad (KSSP) kasama ang SBMA, NCIP at, TAAPI na ginanap sa Tribal Hall, Sitio Pastolan, Hermosa, Bataan. Ito ay patungkol sa mga karapatan ng lupa para sa ating mga mamamayan dito sa Sitio Pastolan.
Tinalakay dito ang mga mahahalagang isyu hinggil sa remittances ng mga bahagi ng lupa sa Sitio Pastolan at sa disbursement ng TAAP. Sinuri din at napagusapan ang tamang pag-disburse ng TAAPI. Ito ay isang mahalagang hakbang patungo sa mas malinaw at maayos na proseso ng pagtutulungan sa pagitan ng TAAPI at SBMA.
Maraming salamat sa patuloy na pagmamalasakit at pagtugon sa mga pangangailangan ng aming komunidad dito sa bayan ng Hermosa.
SAMA-SAMA SA PAGLIPAD NG HERMOSA!
#LipadHermosa 🚁
#1Bataan ☝️
#InaNgHermosa 🤱🏼