Skip to main content

48TH NATIONAL DISABILITY RIGHTS WEEK

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng 48th National Disability Rights Week na may temang, “Rights First, Legislation Forward: Strategic Action for Equal Participation and Inclusive Development,” nagsagawa po tayo ng isang makabuluhang programa at Singing Contest upang maipakita ang talento at kakayahan ng ating mga Persons with Disabilities (PWDs). Ang magwawagi sa patimpalak na ito ang magiging kinatawan ng Bayan ng Hermosa sa susunod na antas ng kompetisyon.

Nagpapasalamat po tayo sa Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) sa pangunguna ni Ms. Chasmalin Francisco, gayundin kay Konsehala Gelly Santos, sa patuloy nilang pagsusulong ng mga programang nagbibigay ng pantay na oportunidad, pagkilala, at suporta sa ating mga PWD.

SAMA-SAMA SA PAGLIPAD NG HERMOSA!

#LipadHermosa
#1Bataan

CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/1ELDXhR19i/

Official Website of Municipality of Hermosa