Skip to main content

40TH EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION

Sa ika-40 anibersaryo ng EDSA People Power, nakikiisa ang Lokal na Pamahalaan ng Hermosa sa paggunita ng isang makasaysayang yugto na kailanma’y hindi malilimutan ng sambayanang Pilipino. Sa kapangyarihan ng nagkakaisang mamamayan, payapang naipaglaban at naitaguyod ang ating demokrasya. Ang nagkakaisang lakas ng bansa ay patunay na nagmumula sa pagkakaisa ng bawat Pilipino.

Pagkalipas ng apat na dekada, nananatili tayong matatag sa pagtatanggol ng kalayaan, katarungan, at kapangyarihan ng mamamayan na ipinaglaban ng EDSA People Power Revolution.

SAMA-SAMA SA PAGLIPAD NG HERMOSA!
#LipadHermosa #1Bataan #EDSA #PeoplePowerRevolution

Click here: https://www.facebook.com/share/p/1HikuNG6uW/

Official Website of Municipality of Hermosa