Skip to main content

4 YEARS NA ANG KWENTUHAN TAYO BATAEÑO!

Ngayong buwan ay ipinagdiriwang natin ang anibersaryo ng Kuwentuhan Tayo, Bataeno!
Sa loob ng apat na taon ng Kwentuhan, napakarami nating napakinggan at naibahagi sa programang ito. Nakasama natin ang mga espesyal na panauhin mula sa iba’t ibang sektor ng ating lipunan na nagbigay ng inspirasyon, kaalaman, at mahahalagang aral sa buhay.
Sa bawat episode na may kuwentong tumatak at humakot ng komento mula sa ating mga kababayan, naging mabuti ang pakikipagtalakayan upang mabigyan ng sagot ang mga hinaing ng bayan.
Ito ang inspirasyon upang magpatuloy sa mga susunod pang mga taon ang ating programa.
Kaya bilang pagdiriwang ng ating anibersaryo, gusto nating ibukas ang ating pakikipagtalastasan sa lahat.
May tanong ba kayo para sa inyong lingkod? I-comment lamang sa post na ito at makakaasa kayong bibigyan natin ng panahon ang bawat isa upang mabigyang kasagutan ito.
Ang inyong mga tanong pagsasama-samahin at live nating sasagutin. Sampu (10) ang ating bubunutin sa Miyerkules, sa espesyal na anniversary episode ng Kuwentuhan Tayo, Bataeno!
Bukod pa rito, ang sampung (10) mapipiling online citizens ay mabibigyan ng GCash worth 500 pesos at mga gift certificates mula sa ating mga sponsors.
– Fusionlicious Cafe PH
– Célavi Wellness Center
– Yōótōpēa Balanga
Kaya ano pang hinihintay ninyo? I-comment na ang inyong tanong at baka isa ka sa ating mga masuwerteng mabubunot!
Ang bawat komento at tanong ninyo ay nagsisilbing gabay sa amin upang lalo pang mapabuti ang ating mga programa at serbisyong para sa bawat Bataeño.
Kita-kits sa espesyal na anniversary episode ng Kwentuhan Tayo, Bataeño! Marami pa tayong kuwentuhan, sorpresa, at papremyo na inihanda para sa inyo!

#KwentuhanTayoBataeño
#1Bataan
#Bataan

CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/18t7TTBzmP/

Official Website of Municipality of Hermosa