3rd & 4th Quarter Financials Support para sa mga Barangay Tanod
Matagumpay nating naipamahagi ang Suportang Pinansyal para sa 409 Barangay Tanod sa ating minamahal na Bayan ng Hermosa, sa katatapos lamang na 3rd and 4th Financial Support Payout na ginanap sa Hermosa Covered Court.
Bilang kinatawan ng inyong lingkod, pinangunahan ni Mayora ANNE INTON ang nasabing pamamahagi kasama ang mga miyembro ng Team Lipad, kabilang sina Konsehala Gelly Sanots, Konsehal Lou Narciso, Konsehal Boyet Yandoc, Konsehal Jason Enriquez, Konsehal Roger Manarang, Konsehal Floyd Tungol, Leonardo Cruz, at Jinkee Alonzo. Dumalo rin bilang pagpapakita ng suporta sina Hermosa Municipal Administrator Rex Jorge at ABC President Alfonso Cortez.
Ito ay sukli lamang para sa serbisyong ibinibigay ng ating masisipag na Barangay Tanod upang masiguro ang kaayusan at kapayapaan sa minamahal nating bayan.
SAMA-SAMA SA PAGLIPAD NG HERMOSA
#LipadHermosa #Hermosa #1Bataan #Bataan