31st National Developers Convention sa Cebu, Kabilang ang Iyong Lingkod
October 06, 2023 – Radisson Blu Cebu, Cebu City
Inimbitahan ang inyong lingkod upang magsalita as resource person sa ginanap na 31st NATIONAL DEVELOPERS CONVENTION (NatCon) na may temang “Lokal na Bai; Building National Growth Through Regional Development”, sa pakikipagtulungan ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) at sa pangunguna ni Chairman, Urban Planning, Housing, and Resettlement Senate of the Philippines Sen. Joseph Victor “JV” Ejercito na ginanap sa Radisson Blu Cebu, Cebu City.
Ating ipinakita ang proseso ng pag-unlad ng bayan ng Hermosa, Bataan at ang ating mga Best Practices bilang Local Government Unit (LGU) sa patuloy na development sa ating Bayan. Isa na rito ang kasalukuyang ginagawa, ang Hermosa Mega Build Project na isang magandang pagkakataon para sa nga developer, praktisyan, at iba pang mga sektor na makapagbahagi ng kanilang mga plano, ideya, at mga proyekto para ating komunidad dito sa bayan ng Hermosa.
Ito ay isang mahalagang pagtitipon para sa mga developer ng pabahay at ari-arian, mga best practices sa industriya ng pabahay, mga kinatawan mula sa pambansa at lokal na pamahalaan, at iba pang mga stakeholders sa sektor ng pabahay.
Dito ay nagkaroon ng mga sesyon, workshop, at mga talakayan na naglalayong palalimin ang pag-unawa sa mga patakaran, teknolohiya, at mga makabago at epektibong pamamaraan sa pagpapabahay at pagpapahusay sa sektor ng ari-arian.
Maraming salamat sa inyong tiwala sa ating liderato at sa inyong pagpili at pag imbita sa akin sa Pambansang pagtitipon na ito upang ibahagi ang proseso ng pag-unlad ng Bayan ng Hermosa! Tunay itong isang malaking karangalan para sa ating mga Hermoseño!
Sama-sama sa patuloy na paglipad ng bayan ng Hermosa!
#LipadHermosa 🚁
#1Bataan ☝️