Skip to main content

Rehabilitation and Improvement of Hermosa, San Pedro Road, Pinasinayaan na!

Pinangunahan ng inyong lingkod ang pagpapasinaya kaninang umaga ng bagong gawang kalsada sa Barangay San Pedro.
Kaisa natin sa okasyong ito sina Fr. Nilo Lozaga na siyang nagbigay ng basbas sa bagong daan, ang TEAM LIPAD HERMOSA, at mga Barangay Officials.
Ang proyektong imprastrakturang ito ay pinondohan ng Department of the Interior and Local Government o DILG/CMGP.
Ang ating pinagawang Barangay Road ay magbibigay ng malaking tulong sa ating mga Kababayan lalo na sa mas maayos at maginhawang pagbiyahe ng ating mga mananakay.
Asahan niyo po na tuloy-tuloy ang mga proyektong pang-imprastraktura para sa ating ikagiginhawa!
Maraming Salamat po, DILG/CMGP! Mabuhay po kayo! ❤️
MATAGAL NA NATING GINAGAWA ANG TAMA!
Official Website of Municipality of Hermosa