Emergency Hotline | PDRRMO-COPS:

Your browser is not supported for the Live Clock Timer, please visit the Support Center for support.

3 New Cases sa Bayan ng Hermosa at 4 naman ang Recovered

Ayon sa panibagong ulat ng ating Hermosa RHU mayroon po tayong 4 na RECOVERED na at ngayon ay nag NEGATIBO na mula sa COVID-19 tatlo (3) mula sa Barangay Palihan, at isa (1) naman sa Barangay Tipo.

Ngunit ikinalulungkot ko pong ibalita sa inyo na may tatlong (3) panibago po tayong kaso ng COVID-19.

Ang unang pasyente ay 26 taong gulang na taga Brgy, Culis. Ang Hermosa RHU ang nag swab sa pasyente.

Ang pangalawang panibagong kaso ay 74 taong gulang, na taga Brgy, Mambog na pumanaw na. Siya ay mayroon ng ibang karamdaman at hindi ang Hermosa RHU ang nag swab sa kanya, pero positive ang naging resulta.

Ang huli ay isang 24 taong gulang na taga Brgy, Mandama. Siya ay isang health worker na nagtatrabaho sa Dinalupihan at doon na rin siya nagpa-swab.

Sa kabuuan, meron na tayong siyam (9) ACTIVE COVID CASES sa ating Bayan.

Patuloy pa din po ang ating pag-iingat at pag sunod sa ating mga alituntunin ukol sa MGCQ lalo na po ang Minimum Public Health Standards (halimbawa: pagsusuot ng face mask, social distancing, proper hygiene, at pagpapalakas ng resistensya)

Phone

(0917) 844 3453

Address

Brgy. Burgos-Soliman St
Hermosa, Philippines 2111
Municipality of Hermosa
Province of Bataan

EMERGENCY HOTLINES

  • POLICE STATION

    •  
  • FIRE STATION

    •  
Copyright © 2020. Municipality of Hermosa, Province of Bataan. All rights reserved. Powered by:
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!