Skip to main content

2nd BATCH NG BARANGAY OFFICIALS EMPOWERMENT, UMARANGKADA

Hermosa, Bataan – Marso 7, 2024

Nagsimula na rin ang sesyon ng Batch 2 (Mambog, Mabuco, Palihan, Pandatung, Pulo, San Pedro, Sto Cristo, Sumalo, Tipo, Saba, at Sacrifice Valley) ng Basic Orientation Course para sa ating mga opisyal sa barangay na ginaganap sa Puntabelle Resort and Farm Adventure.
Ito ay sa pangunguna pa rin ng Liga ng Barangay (LNB) ng Bayan ng Hermosa at sa pakikipagtulungan ng Department of the Interior and Local Government (DILG). Muling dinaluhan ni Mayora ANNE INTON ang nasabing seminar bilang kinatawan ng inyong lingkod.
Muling sumuporta ang ating mga opisyal tulad nina Bokal Tony Roman, mga Konsehal na sina Lou Narciso, Boyet Yandoc, Floyd Tungol, Luz Samaniego, Gellie Santos, at Roger Manarang. Naroon din sina ABC President Alfonso Cortez, SK President Clyde Drexler Teruel at si Ma’am Michelle Caraig, na kinatawan ni Gob. Joet Garcia.
Kaakibat ng layunin ng aktibidad na ito, patuloy na ginagamit ang kurso ng Local Government Academy upang gawing pamantayan para sa pagpapaunlad ng kakayahan sa pamamahala ng lokal na pamahalaan.
Tuloy-tuloy ang pagsisikap na mapalalim ang kaalaman ng mga opisyal sa barangay upang sila ay mas makapaglingkod sa ating mga mamamayan.
SAMA-SAMA SA PAGLIPAD NG HERMOSA!
#LipadHermosa 🚁
#1Bataan ☝🏻

Official Website of Municipality of Hermosa