2ND AT 3RD QUARTER NA FINANCIAL SUPPORT PARA SA MGA TANOD, NAIPAMAHAGI NA!!!
December 22, 2023 – Hermosa, Bataan
Sa tulong ng inyong lingkod at Vice Mayor Patrick Rellosa, ipinamahagi na ang 2nd and 3rd Quarter ng financial support para sa mga barangay tanod dito sa ating bayan.
Pinangunahan ito ni Municipal Administrator, Rex Jorge, Kons. Lou Narciso, Kons. Boyet Yandoc, Kons. Jason Enriquez, Kons. Roger Manarang, Kons. Floyd Tungol at Kons. Luz Samaniego.
Layunin nitong maka tulong sa ating mga masisipag na Tanod para sa mas maayos nilang pagbabantay sa ating mga barangay.
SAMA-SAMA SA PAGLIPAD NG HERMOSA!
#LipadHermosa 🚁
#1Bataan ☝️