21 COUPLES, NAG-ISANG DIBDIB SA KASALANG BAYAN
Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Hermosa Day at pista ng ating bayan, matagumpay nating nasaksihan ang pag-iisang dibdib ng 21 couples sa ginanap na Kasalang Bayan sa Tres Marias.
Taos-puso po nating binabati ang lahat ng bagong kasal. Nawa’y magsilbing matibay na pundasyon ng inyong pagsasama ang pagmamahalan, respeto, at pananampalataya sa Panginoon bilang sentro ng inyong pamilya.
Lubos din po ang ating pasasalamat kina Cong. Tony Roman, Bokal Mylene Serrano, at kay Michelle Caraig bilang kinatawan ni Gov. Joet Garcia, sa kanilang suporta at pakikiisa sa napakagandang okasyong ito.
Muli, congratulations at best wishes po sa ating mga bagong mag-asawa!
SAMA-SAMA SA PAGLIPAD NG HERMOSA!
#LipadHermosa #1Bataan
CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/1Gf1s4hG2q/