1st Zumba Competition Umarangkada sa Bayan ng Hermosa!

December 09, 2022 – Hermosa, Bataan
1st Zumba Competition Umarangkada sa Bayan ng Hermosa!
Sa pangunguna ng ating Konsehala Luz Jorge Samaniego at ang kinatawan ng inyong lingkod Mayora Ann Adorable-Inton. Tayo po ay nagkaroon ng kauna unahang Zumba Competition dito sa ating Bayan na ginanap sa Hermosa Covered Court, Ika-9 ng Disyembre.
Ang programang ito ay nakatutok sa pagbaba ng timbang at pinahusay na pangkalahatang kalusugan. Ito ay nagdudulot ng malaking benepisyo, ito ay naiiba mula sa iba pang mga modernong mga pagsasanay. Tulad ng programang ito ay hindi lamang upang mabawasan ang timbang kundi pati ang ating kalagayan ng ating buong katawan.
Nakasama rin natin si Konsehal Jason Enriquez at ang espesyal na partisipasyon ng aktor at isa sa pinakamagaling pag dating sa larangan ng pagsasayaw Wowie de Guzman kasama ang North Cennection.
Kasabay nito, tayo ay nagkaroon ng pa raffle para sa ating mga kababayan na handog sa atin ng inyong lingkod, Mayora Anne Adorable-Inton, Vice Mayor Patrick Rellosa, Sangguniang Bayan, Mr. Jon Arizapa, Pusong Pinoy Party List Rep. Jet Nisay, Bokal Jomar Gaza, Rotary Club Free Port Zone President Ric Dela Cruz, Starwell Private Resort and Restaurant, A Harmony Wellness Spa, Oasis Private Resort at Le Asia Whitening Soap.
Congratulations sa lahat ng nanalo at sa lahat ng sumali sa ating matagumpay na Zumba Competition!
#LipadHermosa 🚁
#1Bataan ☝️
« of 2 »

Mission

To Create a Positive Environment for Sustainable Development through Continuous Improvement and Innovation in Inclusive Governance and Responsible Citizenship.

Vision

By 2030, Hemosa will be a Prime Investment and Agro-Industrial Hub with Empowered Active Citizenry coupled with capable and responsible Leaders Geared towards Sustainable Development, Disaster-Resilient, and Adaptive to Climate Change.

Municipality of Hermosa Province of Bataan

QUICK LINKS

EMERGENCY HOTLINES

  • POLICE STATION

    • 0998-598-5360
    • 0995-324-1873
  • FIRE STATION

Copyright © 2020. Municipality of Hermosa, Province of Bataan. All rights reserved. Powered by:
Official Website of Municipality of Hermosa